Travel blogs by Travellerspoint

Goodbye Benjamin

.. you fought a good fight and taught us all a lesson

JB.jpg

Tier 2 Benjamin signed off and ended his shift permanently.

we started out training together. New breed of CSA at that time... fresh full of spirit and has a very positive view in life. Something that we cannot forget.

pinauso niya yung "swabe lang" every questions has this as his answer.

pag tinanong mo kung sino si Jeboi ( to us) ang response is " sino yung cute at sexy na hunk" tag na niya kasi ito eh.

well dressed. mabango parati.

Never a dull moment.

Cool. gentleman in every way.

I stood in front of this mirrored box where you can see his beautiful face.

he passed away last 18th of April.

We never saw it coming. good fight up to the last breath.

I thought he will be back to rock the house. That was the promise sometime ago before he filed for medical leave.

but i guess he is where he should be.. with GOD.

Jeboi,

you teach me a lesson that I will never ever forget.
i stood there and looking at you ashamed to admit that i am the biggest coward there is. kahit pa sinasabi mo na idol mo ako at balang araw magiging kasing galing mo ako, mali ka dun tsong..

dahil mas magaling ka sa akin.. dahil hindi ko kaya ang lahat ng pinagdaan mo.

i will say. time will come that we will be taking the same path. I hope and pray that I will be with you, that we will all be with you with our creator..

I will quote Darra with this line : " Benjamin will be a great CSA in heaven"

farewell Jeboi... You will forever be remembered.

thanks for the memories...

hindi mo na mababasa ang blog na ito tsong.. pero salamat talaga.

Posted by TierII 21:51 Comments (3)

ang mga dahon ng puno ay nalalagas na...

kulang sa tubig...kulang sa dilig.. nalalanta na..

currently 30agents resigned on the floor...
di ko alam kung totoo.. minabuti ko na hindi muna magsulat for the longest time kasi wala rin naman akong makukwento na maganda..
masarap lang naman pumasok at mag blog pag may baging chismis... si ganito nabuntis ni ganun na it proves to be na hindi naman pala talagang buntis..

tagal na nga nung huling post eh.. nanganak na ang GF ni Irate Tier2, nag break na si Andrei the giant at ang kanyang GF... si stigmata out in the open na.. Si dara nag ko calls na ulit..

si Lil Ms Pretty in Pink, hayun kunsimido sa dami ng reports... ano pa ba ang bago?

Hearsay, marami daw mag reresign.. susme! tagal na nitong balita balita eh.. pero isa lang ang masasabi ko, mas ok na din yung maingay.. kaysa walang kaluskos...pag biglang natigil ang usapin na ito.. wala na din yung mga tao na nag iingay tungkol dito.

itong blog na ito nabuo nung mga panahon na pakiramdam namin hindi na naman umaayon sa amin ang sitwasyon. Eh, kelan ba naman aayon di ba? Kung marami lang sigurong pera yung mga tao sa paligid namin baka binusalan na yung bibig namin ng pera para lang matigil na yung mga reklamo..para ko na ring sinabi na mukha kaming pera, pero come to think of it sino ba ang hindi?

eh pero kung iisipin mo, ok na din yung nag iingay, nagrereklamo at kung anu ano pa. isipin mo nalang kung tahimik lang yan na sumusunod tas one day mapuno yan kumuha na lang kutsilyo at mang hostage na di ba? you call it pressure via depression.

basta bahala na si batman, puro na lang metrisc at additional allowance para sa tier2 di ba?
ibahin naman natin.

pag usapan naman natin ang " eh, ano ngayon kung ganyan pakiramdam mo? eh kaya naman namin mag hire ng kapalit mo?!" what do you think about that?

ciao ese!

Posted by TierII 01:42 Comments (2)

Natatandaan niyo pa ba ito?

... Tier II rewind....

Laguna.jpg

ang makasaysayang unang otuing (bonding) ng Tier II.

Venue: Solimar (laguna)

ganda ng pool, ganda ng venue daming tsibog!!!! daming alak!!! c/o Felicity of course!!

ang aming "long awaited to come back Tier II"!

hehehehe

Peace Felicity! wala akong naihandang K.A. eh...

btw, do you know "Eureka?" hehehehe

Posted by TierII 02:54 Comments (0)

Budget accommodation bookings

Read reviews from other Travellerspoint members.

Bataan.. at last..

a trip that takes a year in the making

bataan.jpg

Bataan

tagal na pinagplanuhan ito.

Hindi dahil, walang oras, walang budget.. kung hindi... parating nauudlot!

hanggang isang araw out of the blue, tara na!! Bataan here we come..

Maulan. Kababagyo lang kasi.

Ayaw kaming payagan ng Mommy ng tinuluyan namin sa Orion, Bataan kila Tee DEE..

kasi daw,madulas yung daan delikado papanhik ng Mt.Samat.

so, first pit stop.. DONSOLAN FALLS..

i know, none of you had heard about this falls.. medyo famous siya nung panahon ni Marcos..

but then again, walang pedeng pumigil sa mga taong nanggigil! So, against all the putik, pawis,akyat baba, at madulas na tatahakin na daan , GO kami! dahil ang aming sandata ay ano pa nga ba? RED HORSE!! bwahahaha

napasubo kami, kasi ang layo talaga.. but the view was amazing!

We can see Mt.Samat from behind!

and we finally reached the FALLS, it was breathtaking as well..

hindi kami makaligo kasi sobrang lakas ng current.. but what the heck! lubluban man lang na paa masabi lang na nakatikim kami ng tubig

at dahil hindi na maulan at regardless kung umuulan .. go kami sa Mt.Samat

ay duon ay nag moment... habang umiindayog ang magkabilang gilid ng krus dahil sa sobrang lakas ng hangin..

at ang nangyari.. sabi ni Camden " guys, baba na tayo"..

bow!

sa susunod na post .. " a love story that we thought there was.."

hehehe

peace, bes!!

Posted by TierII 05:00 Comments (0)

si sassy at ang RED HORSE!

narinig niyo na ba ang angil ng kabayo sa mga tiyan ng tao....

tier_ii.jpg

ang pag angil ng kabayo ay nangangahulugan na INUMAN NA!!! wahuuuu!

Pagkatapos ng maraming reklamo, eto ang tinatawag namin pahinga! huwaaaaaaaat? sa Calls ang ibig kong sabihin.

ganito yun nagsimula:

Robyn: tara na!

Macon: oo nga, ayus na gamit namin...

Sassy: ha? san tayo pupunta?

Lucky,Macon and Robyn: eh di senyo?!!

at hayun na nga,

log out ang dapat mag log out (honda sa tawag ng alak!)

taxi na dahil umuulan.. at tutunguhin na namin ang malamig at masarap na alindog ng ALAK!!!

along the way.. kasama ko sa cab si Macon, si Bernice, si Camden (ex-CSA) at si manong R & E.

dahil tinulugan ako ng tatlo napagbalingan ko si Manong R & E.

Robyn : Kuya, bakit may nakasabit na "On Duty at Off Duty sa taxi"?

Manong: Indikasyon yan kung magsasakay o hindi ang taxi.

Robyn :ah ayus ah, parang doctor lang!

Manong: (sabay dukot dun sa may compartment) meron din kaming :ON CALL!

Robyn: sosyal. bakit po LTO policy po ba?

Manong: hindi, mga kompanya lang kagaya namin, ng MGE, POLANNE,TERESITA,

Robyn: Sabi ko, huh? bakit po isa lang po ba ang may ari nyan?

Manong: OO, si Mr. R & E ang nuno at sanga sanga na lang yan mga sumunod.

Nabanggit din niya na nag pe phase out sila ng sasakyan every 10 years, libre isang kaban bigas, pede iuwi ang sasakyan ang mag pepenalty lang ng 30Php bawat labas (every other day) at isang carbarn lang sila na may 5 hektarya!

akalain mo, dami kong nalaman..

at nakarating na kami kila Sassy, na naghihintay ang sinigang,manok,barbecue at malamig na RED HORSE!!

inuman na!!!

Posted by TierII 04:20 Comments (0)

(Entries 1 - 5 of 29) Page [1] 2 3 4 5 6 » Next